rice person.jpg

Siam Parboiled - High Capacity Rice Processing in Thailand

Siam Parboiled Rice in Thailand exports its rice to every corner of the world. To produce more effectively and ensure their rice meets international quality standards, they've chosen Bühler as a key service provider for their entire plant.

Their rice milling facility is capable of drying and producing 2000 tons a day and packing at 80 tons an hour.

Teknolohiya para sa Kinabukasan ng Bigas at Pagpoproseso ng Palay

#FeedingAsia

Technology for the Future of Rice and Paddy Processing

#FeedingAsia

 

Kami ang Bühler

Higit pa sa 150 taon na karanasan sa paggiling ng butil at pandaigdigang presensya sa 140 na bansa, ang pandaigdigang karanasan ng Bühler ay walang kompetisyon. Para sa lahat ng pangangailangan ng proseso at mga klase ng bigas, ang aming mga eksperto sa bigas na matatagpuan sa buong Asya ay magpapayo at makakatulong sa pagpili ng pinakamahusay na mga makina, serbisyo, at bahagi upang gumana ng mabuti ang iyong gilingan.

 

Ang aming pinagsamang gilingan na UniLine 5-8-10 tbo (tonelada bawat oras)

Walang abala mula sa umpisa hanggang sa huling proseso ng gilingan para sa maliit na kapasidad na paggiling na tamang-tama para sa lokal o organic na uri.  

Ang UniLine na gilingan ay mga pakete ng kagamitan na sumasaklaw sa lahat at maaaring maikabit at patakbuhin sa loob ng 18 linggo mula sa pag-oorder. Makukuha sa 3 mga pagpipilian na kapasidad: 5 tonelada bawat oras (t / o), 8t / o at 10t / o.

Ibang Teknolohiya para sa iyong Gilingan

Ang Bühler ay ang nag-iisang tagapagbigay ng solusyon na nag-aalok ng solusyon sa bigas, mula sa palayan hanggang sa hapag. Saklaw ng aming teknolohiya ang buong proseso ng bigas at palayan - mula sa paglilinis ng palay, pag-iimbak at pagpapatuyo, hanggang sa mga kiskisan ng palay, mga pampakintab, mga pampaputi, optikal na taga-uri at pagbabalot.

 

Bakit pinipili ng mga kustomer ang  Bühler

Siam Parboiled - Mataas na Kapasidad ng Pagpoproseso ng Bigas sa Thailand

Ang Siam Parboiled Rice mula sa Thailand ay iniluluwas ang kanilang bigas sa bawat sulok ng mundo. Para makagawa ng mas epektibo at para masigurado na nakakatugon sa mga pamantayan ng internasyonal na kalidad, pinili nila ang Bühler bilang isang pangunahing tagapagbigay ng serbisyo para sa kanilang buong planta.

Ang kanilang pasilidad para sa paggiling ay may kapabilidad para sa pagpapatuyo at paggawa ng 200 tonelada kada araw at pagbabalot ng 80 tonelada bawat oras.

PT Harapan Jaya Pangan – Mataas na Kalidad ng Bigas sa Indonesia


Ang pagtaas ng kompetisyon sa merkado ng bigas ay nangangahulugang kailangang mapabuti ng mga gilingan ang kalidad ng kanilang bigas upang makipagkompetensya. Ang PT Harapan Jaya Pangan ay pinili ang mga solusyon sa bigas ng Bühler, mula sa destoner hanggang sa pagbubukod ng kulay, upang makamit ang nakahuhusay na kalidad na bigas.

Nagpoproseso ang PT Harapan Jaya Pangan ng hanggang 8 tonelada bawat oras ng input ng tuyong palayan, at bigas hanggang 5 tonelada bawat oras.

Al Dahra - Mataas na Kalidad ng Bigas mula sa Abu Dhabi

 

Ang Al Dahra Rice Mill ay namuhunan sa pinakamalaki at nag-iisang pabrika ng kanyang uri sa rehiyon ng Gulpo at pinili ang Ultra Line ng Bühler para sa mataas na pamantayan sa kaligtasan ng pagkain at mataas na kalidad na pagproseso ng bigas.

Ang kakayahan ng Al Dahra Rice Mill ay umaabot ng hanggang sa 18 metric tonelada bawat oras. Ang bawat isa sa kanilang 40 na imbakan ay maaaring mag-imbak ng 750 toneladang bigas.

Bagong Bühler DS-C Optical Sorter para sa Bigas

Eksklusibong ginawa sa pag-uuri ng bigas, ang Bühler DS-C optical sorter ay nagtatampok ng pasadyang RGB buong-kulay na mga kamera at limang taong garantiya sa mga ejector. Sa pinakabagong inobasyon na ito, ang inyong gilingan ay kakayaning maihatid ang pinakamalinis na produkto, sa kabila ng pagbabago ng kalidad ng hilaw na materyales.

Ang DS-C ay dinisenyo ng Bühler Sortex team sa London, na maaasahan ng maraming taon dahil sa napatunayan nang matatag na pagganap. Ito ay binuo upang salungatin ang mga inaasahan, kasama ang kakayahang umangkop at ang adjudicator AI ™ system, maaari itong mabago upang matugunan ang parehong pamantayan sa lokal at kalakal-panluwas na merkado.

Ang lyong Lokal na Eksperto sa Bigas:

Ivan Herbosa

Si Ivan ay may mahigit anim na taong karanasan sa pamamahala ng proyekto sa Buhler para sa pagproseso ng pagkain ng tao at hayop. Siya ay isang lisensyadong propesyonal na inhinyero mekanikal at isang opisyal ng kaligtasan..

Ang Iyong Lokal na Eksperto sa Bigas: Ivan Herbosa

 

Si Ivan ay may mahigit anim na taong karanasan sa pamamahala ng proyekto sa Buhler para sa pagproseso ng pagkain ng tao at hayop. Siya ay isang lisensyadong propesyonal na inhinyero mekanikal at isang opisyal ng kaligtasan.

Ivan_circle.png